Thursday, May 28, 2009

Boka-bularyong Pamatay

Ang mga makikitang salita ay hango sa aming mga nakalap mula sa isang tanyag na tao sa aming industriya. Ninais kong gawing tagalog ang blog na ito dahil walang katulad at mas matitindi ang mga salita na ginamitan ng wikang Filipino. Wala naman akong nais tamaan dito, marami lang ang nakakarinig, nakakaalam at nasisiyahan tuwing maririnig o mababasa ang mga pamatay na salitang ito ngunit di lahat ay nakakaalam ng ibig sabhin kaya sana ito'y magbigay linaw sa mga bagay bagay...

1. "Post-mortem" Focused Group Discussion (FGD)

Ayon sa aming source
This is the term used to refer to the meeting held after an issue has been printed and sold in a magazine industry.

Para sa akin
Ito ang ginagawang pagsusuri sa mga bangkay. Bangkay ba kami at naisipan mo sa amin gamitin ang Post-mortem mo?

2. Hairsplitter-precise

Sentence construction (na lang dahil di nga namin alam ang tunay na kahulugan!)
If we’re to be hairsplitter-precise about it...

Para sa akin
Hmmmm... hindi kita maintindihan lalo na at wala naman akong split-hairs...

3. "Hot off the press" feel

Sentence construction (na lang dahil di nga namin alam ang tunay na kahulugan!)
but I want it to have that “hot off the press” feel…

Para sa akin
Wala talagang tatalo sa mainit at kumukulo pang balita na galing sa Press? Sana madama mo na din ang init ng ulo ng mga tao...

4. Meneger or Manager

Ano ba eto? Epol for Apple? Meneger ba ay tawag sa isang tao na nasa mataas na posisyon? Ikaw ba to?

5. Benner

Isa pang Epol for Apple. So san mo nga ulet gusto ilagay ang benner? Sa taas, sa tuktok, oo nga sa pinaka tuktok para kitang kita agad ang benner, at bubungad sa mga bisita.

6. Prominent Violator

Anu? May kasalanan ba ako at isa akong violator? O eto ba ay isang pasaway na lumalabag sa batas? At kailangan maging sikat ka? Ganun? Ikaw na ang sikat.

7. Beef up

Sentence construction
Is there any way we can beef this up? It’s kind of boring.

Para sa akin
Bakit nga beef lang? Di ba pwede ang pork o pish? O kaya veggie... di ba mas sosyalin ang dating at mag-inarteng vegetarian...

8. Copy 1, Copy 2, Copy 3

Do you copy me? Hehe Copy, copy, copy, talagang mahilig ka dito noh? Dagdagan mo na din ng Paste, paste, paste.

9. Hollerback

Ikaw ba si Holla Back Girl? Pwede nga, babagay nga sau yan, sige pagbutihin mo lang at holla, holla ka lang ah...

Paalala:
Ang lahat ng ito ay katuwaan lamang, bahala ka na kung maiintindihan mo o hinde, kung may maidagdag ka pa, sige lang, at siguradong dadami pa ang boka-bularyong pamatay, sana ito din ay maging dagdag kaalaman, kung gusto mong tularan at gamitin ang mga salitang ito, walang pipigil sau... :)

No comments:

Post a Comment